Mga Iranun lumakas ang boses sa BARMM parliament

Nagalak ang maraming mga etnikong Iranun sa pagkakatalaga ng dalawa newcomers sa 80-seat Bangsamoro parliament na ang mga ninuno ay mula sa kanilang makasaysayang tribo.

Bagama’t may dugong Iranun, tiniyak ng mga bagong regional parliament members na sina Maroup Candao at Naguib Sinarimbo na sila ay maninindigan para sa ikakabuti ng mga Kristiyano, Maguindanaon, Maranao, Yakan, Tausug, Sama, mga etnikong Teduray pati na sa mga Badjao sa kanilang panunungkulan sa 80-seat regional lawmaking body.

Nanumpa na sa kanilang katungkulan nitong Lunes, March 24, 2025, ang may Iranun lineage na sina Candao at Sinarimbo, kasama ang marami pang ibang mga Bangsamoro parliament members sa isang seremonyang ginanap sa Malacañang matapos na magkakasunod na na-appoint sa pagka-regional lawmakers ni President Ferdinand Marcos, Jr. bago lamang.

Ang grupong Iranun ay isa sa malaking komunidad sa Maguindanao del Norte at Cotabato City, ang kabisera ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Hindi isang estranghero ang abugadong si Sinarimbo sa Bangsamoro government. Siya ay naging minister of interior and local government ng BARMM at tagapamahala ng regional emergency reaction outfit ng rehiyon, ngunit nag-resign sa naturang mga puwesto nitong nakalipas lang na taon.

Siya ay isa sa mga pinili mismo ng Malacañang na maitalagang parliament member upang maka-serbisyong muli sa mga Muslim, Christian at non-Moro indigenous communities sa autonomous region.

Maraming mga Iranun netizens ang nagpahayag sa Facebook ng kanilang kagalakan kaugnay ng pagkaka-appoint kina Candao at Sinarimbo bilang mga kasapi ng BARMM parliament.

Ang isang legendary Moro hero na nasa mga history books ng Pilipinas, ang 16-century leader na lumaban sa mga Spaniards na si Sultan Kudarat, ay mula sa tribung Iranun. (March 25, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *