Home » Mga gamot para sa barangay handog ng SMI

Mga gamot para sa barangay handog ng SMI

Nagalak ang mga barangay health workers sa Sta. Cruz sa Tampakan, South Cotabato sa ayudang gamot at mga multivitamins na ipinagkaloob sa kanilang barangay government ng isang pribadong kumpanya kaugnay ng pagtutulungan nito, ng mga local leaders at iba’t-ibang public service entities na mapabuti ang kalusugan ng mga residente ng naturang bayan.

Mismong si Wilfredo Epe, chairman ng Barangay Sta. Cruz, at ang namamahala ng pangkat ng kanilang barangay health workers, si Jeselle Fernandez, ang hiwalay na nagpahayag sa mga reporters nitong Sabado, July 5, ng kanilang pasasalamat sa Sagittarius Mines Incorporated, mas kilala bilang SMI, sa donasyon nitong mga gamot para sa ibat-ibang mga karamdaman at mga multivitamins na ihinatid nito lang nakalipas na linggo ng mga kawani ng kumpanya sa kanilang barangay office.

Ayon kay Barangay Chairman Epe, malaking bagay para sa kanilang public health projects ang mga gamot at multivitamins na ibinigay ng SMI na may malawak na public service programs sa Tampakan, sa Columbio Sultan Kudarat, sa Malungon sa Sarangani at sa Kiblawan sa Davao del Sur.

Ayon kay Domingo Collado, B’laan tribal representative sa Tampakan municipal council, malaki ang pakinabang ng kanilang tribo at ng mga settler communities sa Tampakan sa mga proyektong kaugnay ng Social Development and Management Program ng SMI.

Ayon kay Collado, kabilang sa naging serbisyo publiko ng SMI ang pagtapos sa kolehiyo, nitong nakalipas na pitong taon, ng iba’t-ibang mga college courses ng mahigit 800 na mga scholars mula sa iba’t-ibang bayan sa South Cotabato, Sultan Kudarat, Davao del Sur at Sarangani na naka benepisyo sa scholarship program ng kumpanya. (July 5, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *