Nabigyan ng ayudang bigas at iba pang relief supplies at mga packed meals mula sa tanggapan ng vice governor ng Maguindanao del Norte ang maraming mga pamilya sa ilang lugar sa Datu Odin Sinsuat na binaha sanhi ng malakas, paulit-ulit na ulan noong nakalipas na linggo.
Nagtulungan sa pamamahagi ng bigas at iba pang mga relief supplies nitong Linggo, October 12, ang mga kawani ng tanggapan ni Maguindanao del Norte Gov. Marshall Sinsuat at mga barangay leaders sa Datu Odin Sinsuat sa mga binahang residente ng naturang bayan.
Kabilang sa mga nabigyan ng ayuda ng tanggapan ni Sinsuat, nahalal na vice governor ng Maguindanao del Norte nito lang May 12, 2025 elections, ang maraming mga pamilya sa poblacion ng Datu Odin Sinsuat.
Nagpasalamat nitong Lunes, October 13, sa bise-gobernador ng Maguindanao del Norte ang mga barangay at municipal officials ng Datu Odin Sinsuat sa ginawang relief mission ng kanyang tanggapan nitong Linggo.
Kabilang sa mga nagpasalamat sa naturang relief operations ang mga mahihirap na mga residente ng barangay poblacion ng Datu Odin Sinsuat.
Ayon kina Datu Odin Sinsuat Mayor Abdulmain Abas at Vice Mayor Bobsteel Sinsuat, malaking tulong para sa kanilang mga binahang mga sakop ang relief mission ng vice governor ng Maguindanao del Norte. (October 13, 2025, Maguindanao del Norte, Bangsamoro Region)