Ilang mga barangay sa mga bayan na sakop ng Cotabato sa Region 12 at sa Special Geographic Area- Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (SGA-BARMM) sa naturang probinsya ang lubog sa baha mula pa nitong Huwebes, June 26, 2025, kasunod ng malakas, paulit-ulit na ulan sa kapaligiran.
Dahil sa matagal na mga serye ng pag-ulan sa mga kabundukan sa Cotabato, Bukidnon, Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte at Sultan Kudarat, umapaw ang Ligawasan Marsh sa Central Mindanao na “catch basin” ng tubig baha mula sa mga ilog sa naturang limang mga probinsya kaya binaha ang mga barangay na malapit dito, kabilang na ang mga nasa bayan ng Pikit mga karatig na mga lugar na sakop ng SGA-BARMM.
Makikita sa larawan ang isang lugar sa bayan ng Pikit na lubog sa baha. (June 28, 2025, handout photo, Jess Ali)
