Ilang mga barangay sa Zamboanga City, kabilang na ang Barangay Sangali, ang binaha kasunod ng malakas, paulit-ulit na ulan sa kapaligiran nitong Miyerkules, June 25, 2025.
Ilang beses ng binaha ang maraming lugar sa Zamboanga City nitong nakalipas na tatlong linggo sanhi ng malalakas na ulan sa lungsod at mga kalapit na mga lugar.
Nakahanda ang mga kawani ng Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Office na tumugon sa anumang emergency sa mga lugar sa lungsod na binaha, ayon sa mga local executives ng Zamboanga City government. (June 25, 2025, handout photo)
