Dumating nitong Biyernes sa Cotabato Airport sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte ang karagdagan pang mga tropa ng Philippine Army para tumulong sa mga election security missions ng 6th Infantry Division sa ilang mga bayan na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ikakalat sa mga election hotspots sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur ang mga sundalong mula sa iba’t-ibang Army divisions sa bansa na sunod-sunod na dumating sa kampo ng 6th ID sa Camp Siongo sa Datu Odin Sinsuat nitong nakalipas na mga araw upang tumulong sa pagtiyak ng mapayapang halalan sa Lunes, May 12, 2025.

Ang pinakahuling mga tropang dumating sa Cotabato Airport na mapapasailalim sa operational control ng 6th ID ay mula sa 53rd Division Reconnaissance Company ng 5th Infantry Division sa Gamu, Isabela sa Luzon. (May 10, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *