Hindi bababa sa 40 na mga mahirap na pamilyang Moro ang napilitang iwanan ang kanilang mga tahanan, mga pananim at alagang mga hayop sanhi ng mga madugong serye ng engkwentro ng dalawang grupong sangkot sa “rido,” armado ng mga assault rifles at grenade launchers, sa isang Bangsamoro municipality sa probinsya ng Cotabato nitong Miyerkules.

Ang rido ay isang generic, o common na termino sa iba’t-ibang mga wikang Mindanao na nangangahulugan ng away ng mga angkan.

Dalawa ang naiulat na nasawa at apat na iba pa ang sugatan sa mga palitan ng putok nitong miyerkules ng mga makalabang grupo nila Taib Sampulna at Mackly Adam, parehong mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front, sa Sitio Tuka sa Barangay Barungis sa Ligawasan, isa sa walong bagong tatag na mga bayan sa Bangsamoro Special Geographic Area sa probinsya ng Cotabato as Region 12.

Sa ulat mga hiwalay na ulat nitong Biyernes ni Army Brig. Gen. Ricky Bunayog, commander ng 602nd Infantry Brigade, at ng chief ng Western Mindanao Command, si Major Gen. Donald Gumiran na concurrent commander din ng 6th Infantry Division, nagsisikap ang mga officials ng kanilang 40th Infantry Battalion, si Ligawasan Mayor Ismael Mama, ang mga Moro datu at mga Islamic religious leaders sa Bangsamoro Special Geographic Area na maayos ang sigalot ng mga grupo nila Sampulna at Adam.

Ayon sa mga taga Cotabato province, matagal ng may hindi pagkakaunawaan sa pulitika at agawan ng mga teritoryo ang mga grupo nila Sampulna, away na nagsanhi na ng pagkamatay ng ilan mula sa dalawang panig.

Nagka-engkwentro sa Sitio Tuka sa Barangay Barungis ang dalawang grupo nitong Miyerkules na nagsanhi ng paglikas sa mga ligtas na lugar ng maraming mga pamilyang Moro na taga roon dahil sa takot na maipit sa kanilang labanan.

Nakasamsam nito ring Miyerkules ng pitong M16 assault rifles, mga bala at mga explosives ang mga tropa ng 40th IB na nag-responde sa insidente, natagpuan sa isa sa mga lugar kung saan nagbarilan ang mga grupo nila Sampulna at Adam.

Nasa kustodiya na ng 40th IB ang naturang mga combat rifles, ayon kay Bunayog. (October 24, 2025, Bangsamoro Special Geographic Area, Cotabato Province)