Karagdagang mahigit 1,000 Narra tree seedlings pa ang naitanim nitong nakalipas lang na linggo ng mga residente, mga pulis, mga sundalo at mga grupong nagsusulong ng environment protection ang naitanim, “bayanihan style,” sa paligid ng isang lawa sa Barangay Datu Binasing sa Pahamuddin sa probinsya ng Cotabato.

Nilinisan din ng mga lumahok sa tree planting activity, inorganisa ng tanggapan ni Bangsamoro Parliament Member Naguib Sinarimbo, ang mga bahagi ng Datu Binasing Small Water Impoundment Project sa naturang lugar bilang bahagi ng kanilang pangangalaga ng kalikasan sa Pahamuddin.

Ang Pahamuddin ay isa sa walong mga bagong tatag na bayan sa Special Geographic Area ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na nasa teritoryo ng Cotabato province sa Region 12.

Sa ulat nitong Miyerkules, August 27, 2025, ng mga barangay officials, ng mga police at Army units na kabilang sa mga tumulong sa naturang aktibidad ng tanggapan ng abugadong si Sinarimbo, hindi bababa sa 3,000 Narra tree seedlings na ang kanilang naitanim sa naturang lugar sa tatlong magkasunod na mga tree planting activities na kanilang isinagawa mula December 2024.

Si Sinarimbo ay naging local government minister ng BARMM bago itinalagang miyembro ng regional parliament, may 80 na mga kasaping mambabatas, nitong March 2025 ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Suportado ng mga barangay officials sa Pahamuddin, kabilang sa kanila si Johan Sinarimbo na siyang chairman ng Barangay Datu Binasing, ng mga opisyal at tropa ng 34th Infantry Battalion ng Philippine Army at ng unit sa naturang bayan ng ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region ang mga tree planting activities sa Barangay Datu Binasing.

Tumutulong din sa multi-sector tree planting project na pinangungunahan ni regional lawmaker Sinarimbo si BARMM Chief Minister Abdulrauf Macacua, ang kasama nila sa regional parliament na si Butch Malang, ang Rapid Emergency Action on Disaster Incidence-BARMM at ang Bangsamoro natural resources ministry. (August 27, 2025, Pahamuddin, Bangsamoro Special Geographic Area, Cotabato Province)