Mahigit 100 na bahay sa Cotabato City tupok sa dalawang hiwalay na sunog

Mahigit 100 na mga bahay ang tinupok ng apoy sa mga hiwalay na sunog sa dalawang lugar sa Cotabato City sa loob lang ng apat na limang oras.

Kinumpirma ng mga opisyal ng Bureau of Fire Protection-Cotabato City at ng mga kawani ng Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office na 103 na mga bahay, gawa sa semi-permanent materials, sa Tukakanes, Barangay Poblacion 7 at sa Pansacala Area sa Rosary Heights ang nasunog sa naturang dalawang insidente.

Unang nagkasunog sa slum area sa Tukananes sa gilid ng Rio Grande de Mindanao sa Barangay Poblacion 7 kung saan 99 na mga bahay ang natupok.

Makalipas ang apat limang oras, isang sunog naman ang sumiklab sa Pansacala sa Rosary Heights, mga apat na kilometro ang layo mula sa Tukananes.

Nagpaabot na ng inisyal na ayuda sa mga nawalan ng tahanan ang Cotabato City local government unit. (January 25, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *