Sa hospital na nalagutan ng hininga ang isang magsasaka na binaril at kinunan pa ng pitaka at iba pang mga gamit ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Barangay Guiamalia sa Esperanza, Sultan Kudarat nitong hapon ng Miyerkules, June 4, 2025.
Sa ulat ng Esperanza Municipal Police Station, nag-deklara diumano ng holdap ang mga motoristang mga salarin bago nila pinaputukan ng ilang ulit si Agapito Almeria Tempo.
May paniwala ang mga imbestigador ng Esperanza MPS at mga barangay officials sa Guiamalia na posibleng divertionary tactic lang ng mga salarin ang kunwaring pag-holdap kay Tempo at talagang plano nilang papatayin siya.
Nakaupo lang sa kanyang nakaparadang motorsiklo si Tempo sa gilid ng kalye sa Purok 5 sa Barangay Guiamalia ng lapitan ng mga salarin na sakay na nagdeklara muna ng holdap bago siya pinagbabaril ng ilang beses.
Mabilis na nakatakas ang mga bumaril sa kanya gamit ang kanilang motorsiklo.
Naisugod pa ng mga barangay officials si Tempo sa isang pagamutan sa poblacion ng Esperanza ngunit namatay din kalaunan, ayon sa mga kasapi ng Esperanza municipal police force. (JUNE 6, 2025)
