Patay sanhi ng pagkasugat sa kanilang mga ulo si Jovany Andohon, 50-anyos, ang kanyang 48-anyos na misis na si Evangeline at ang kanilang anak na si Ivan ng pasukin ng mga lalaking may mga bitbit na maso ang kanilang tahanan at agad na pinag-hahataw ng paulit-ulit nitong gabi ng Miyerkules.
Naganap ang ang pagpatay sa mag-anak sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Managok sa Malaybalay City sa probinsya ng Bukidnon nitong gabi Miyerkules, May 21, 2025.
Dalawang babaeng kapatid ng napaslang na si Ivan, 14-anyos na high school student, ang nagkumpirma ng ginawa ng mga salarin sa kanilang kuya at mga magulang.
Ang dalawang batang nakaligtas sa insidente ay nasa kustodiya na ng kanilang mga kamag-anak at mga barangay officials sa Managok
Mabilis na nakatakas ang mga pumatay sa mag-anak, iniwan ang mga maso na kanilang ginamit sa krimen na natagpuan ng mga barangay officials at mga imbestigador mula sa Malaybalay Municipal Police Station na nag-responde sa insidente.
Nagtutulungan ang pulisya at mga local executives sa pagkilala sa mga pumatay sa magkabiyak na Andohon at kanilang anak na si Ivan upang agad na masampahan ng kaukulang mga kaso. (May 22, 2025, handout photo)
