Agad na namatay ang isang ama, ang kanyang kabiyak at kanilang anak ng mabangga ang kanilang kotse ang isang trailer truck sa Barangay Talus sa Malungon, Sarangani nitong umaga ng Miyerkules, June 4. 2025.
Kinumpirma ni Arnel Pinque, isang senior staff ng Malungon Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, ang pagkasawi sa naturang aksidente ni Abdulmajid Sarapudin, 35-anyos, ang kanyang 33-anyos na kabiyak na si Ivy Lou at ang kanilang tatlong-taong-gulang na anak na si Colleen.
Ayon kay Pinque at sa mga opisyal ng Sarangani Provincial Police Office, mula sa kanilang tirahan sa Barangay Labangal, General Santos City ang mga biktima at patungo sana sa Davao City ng biglang lumihis ang kanilang kotse, sa kasagsagan ng ulan, at nagawi sa kaliwang bahagi highway sa Barangay Talus kaya nito nasapol ang kasalubong na prime mover truck na may hatak na trailer.
Ayon kay Pinque, agad na namatay ang mag-anak sanhi ng mga maselang sugat at mga pasa na kanilang tinamo sa aksidente.
Agad namang nagpakustodiya na ang driver ng prime mover truck sa mga barangay officials at mga pulis na nag-responde sa insidente, ayon sa mga local executives sa Malungon. (June 4, 2025, handout photo, Roy Tibay Escaner)
