Home » Mag-ama sa Maguindanao nakunan ng P1-M shabu

Mag-ama sa Maguindanao nakunan ng P1-M shabu

9Nasamsam ng mga pulis ang P1 million na halaga ng shabu sa mag-amang na-entrap nitong hapon ng Miyerkules, July 30, 2025, sa Barangay Makir sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Kinumpirma ng mga local executives at mga traditional Moro leaders na tumulong sa naturang entrapment operation na nakakulong na si Noel Lembak Sulba, 55-anyos, at ang ang kanyang 22-anyos na anak na si Esmael Diangkal Sulba, mga residente ng Talitay, Maguindanao del Norte.

Sa ulat nitong Huwebes ni Brig. Gen. Jaysen De Guzman, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, agad na inaresto ang mag-ama ng mga pulis mula sa Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, sa pangunguna ng hepe nilang si Lt. Col Esmael Madin, matapos silang bentahan ng 150 gramo ng shabu sa Sitio Gubat sa Barangay Makir.

Kasama nila Madin ang mga operatiba ng ibat-ibang units ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office at ng PRO-BAR sa naturang entrapment operation, ayon kay De Guzman.

Ayon kay De Guzman, malaki ang naitulong ng dalawang mga elected officials sa Datu Odin Sinsuat — si Mayor Abdulmain Abas at Vice Mayor Bobsteel Sinsuat — sa paglatag ng entrapment operation na nagresulta sa pagkaaresto sa mag-ama at pagkakumpiska sa kanila ng P1 million na halaga ng shabu.

Nasa magkatuwang na kustodiya na ng Datu Odin Sinsuat police at Maguindanao del Norte Provincial Police Office ang dalawang suspects, lilitisin sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (July 31, 2025, Maguindanao del Norte, Bangsamoro Region)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *