Home » Mag-ama patay sa pamamaril sa Kabacan, Cotabato

Mag-ama patay sa pamamaril sa Kabacan, Cotabato

Agad na namatay sa mga tama ng bala ang mag-ama na mga etnikong Maguindanaon ng pagbabarilin sa public market sa sentro ng Carmen, Cotabato nitong umaga ng Miyerkules, July 30, 2025.

Sa ulat nitong Huwebes ng mga opisyal ng Carmen Municipal Police Station, nasa isang tindahan ng used clothings, o “ukay-ukay,” sina Taher Kendong, 45-anyos at ang kanyang 22-anyos na anak na si Mujahid Tayag Kendong ng lapitan ng isang lalaki at ilang ulat na pinaputukan ng .45 caliber pistol.

Agad na tumakas ang salarin, iniwang nakahandusay ang mag-amang Kendong na mga residente ng Sitio Kumutan sa Barangay Simone sa Kabacan, Cotabato. Ang naturang barangay ay sakop ng Special Geographic Area-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ayon sa mga local executives at mga imbestigador mula sa Carmen municipal police force, walong basyo ng caliber .45 ang natagpuang nakakalat sa lugar kung saan pinaslang ang mag-amang Kendong.

May teorya ang mga kinauukulan na posibleng personal grudge ang pinag-ugatan ng naturang krimen. (July 31, 2025, Kabacan, Cotabato Province, Region 12)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *