Dalawa ang sugatan sa pagsabog ng isang 40-millimeter grenade projectile na pinasabog sa lugar na tinitirahan ng mga masugid na supporters ni Mayor Akmad Ampatuan sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nitong gabi ng Sabado, May 10, 2025.

Kinumpirma ng mga kasapi ng Shariff Aguak Municipal Peace and Order Council at ng lokal na pulisya ang insidente na nagsanhi ng pagkasugat 40-anyos na residenteng si Montaser Paglas Mamaluba at isang 13-anyos na bata.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region at ang Maguindanao del Sur Provincial Police Office sa insidente upang makilala ang mga may gawa nito para masampahan ng kaukulang mga kaso. (May 11, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *