Home » LTO central office, kinikilala drivers’ licenses mula BARMM

LTO central office, kinikilala drivers’ licenses mula BARMM

Naglabas ng direktiba ang Department of Transportation (DOTr) para sa lahat ng mga kawani ng Land Transportation Office sa buong bansa na kilalanin ang mga drivers licenses na mula sa Bangsamoro Land Transportation Office.

Inanunsyo ni Bangsamoro Transportation and Communications Minister Paisalin Pangandaman Tago nitong Biyernes na ang naturang direktiba ay nakasaad sa isang dokumentong nilagdaan ng abugadong si Vigor Mendoza II na DOTr assistant secretary para sa LTO, may petsang February 10, 2025.
Naging kontrobersyal ang ilang mga kaganapan nitong nakalipas na mga buwan ang hindi paggalang ng ilang mga LTO law-enforcement personnel at mga pulis sa ibang rehiyon ng mga lisensyang mula sa Bangsamoro LTO sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang functions ng LTO ay ipinagkaloob na sa BARMM government sa bisa ng regional charter nito, ang Republic Act 11054, mas kilala bilang Bangsamoro Organic Law.

Sa Kabila nito, nagkaroon ng ilang mga insidenteng humantong sa kumpiskahan at pagsira ng mga drivers’ licenses na mula sa Bangsamoro LTO ng mga law-enforcement agents sa labas ng autonomous region na walang alam sa devolution of functions ang powers mula sa mga ahensya ng national government patungo sa BARMM government na naitatag noong 2019.

Malinaw sa direktibang mula sa LTO central office na nilagdaan ni Assistant Secretary Mendoza na papatawan ng kaukulang administrative penalties ang sinumang LTO employee sa mga administrative regions na tatangging kilalanin ang mga drivers licenses mula sa Bangsamoro LTO na ang tanggapan ay nasa BARMM capitol sa Cotabato City. (Feb.21, 2025) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *