Isang 79-anyos na moneylender sa Barangay Vitali sa Zamboang City ang napatay sa maraming saksak at ninakawan pa nitong gabi ng Huwebes, October 16.
May teorya ng barangay chairman ng Vitali, si Regalado Marquez, at mga imbestigador ng Zamboanga City Police Office na kilala ng biktimang si Asuncion Pajarito ang salarin kaya siya pinatay muna bago tinangay ang kanyang pera sa pagtakas nito.
Na-deklarang dead on arrival si Pajarito ng mga doctor sa isang hospital kung saan siya isinugod ng mga barangay emergency responders upang malapatan sana ng lunas.
Nagtutulungan ang mga barangay officials sa Vitali at mga police invcestigators sa pagresolba ng pagpatay at pagnakaw ng perang koleksyon ng biktima sa kanyang moneylending business. (October 17, 2025, Zamboanga City. Region 9, handout photo)