Agad na namatay ang isang 39-anyos na lalaking dealer ng pritong mani at paminta at ang kanyang live-in partner ng masapol ng isang kotseng mabilis ang takbo ang kanilang motorsiklo sa Barangay Talisayan, Zamboanga City nitong hapon ng Linggo, June 8, 2025.
Sa ulat ng Zamboanga City Police Office, agad na namatay si Daniel Antisipado Meralpes at ang 40-anyos na si Robelyn Albofere Catalbas sanhi ng aksidente.
Sakay ng motorsiklo ang dalawa, maghahatid sana ng pritong mani at paminta sa kanilang mga contacts, ng sila ay masapol ng isang kotseng ayon sa mga saksi ay sobra ang bilis ng takbo, minamaneho ng isang menor-de-edad.
Ayon sa mga saksi, umikot-ikot ang kotse dahil tangkang pag-iwas ng driver nito sa motorsiklong lulan sina Meralpes at Catalbas at biglang lumiyab. Sunog na sunog ang kotse na nilamon ng apoy
Isinugod ng mga emergency responders ang driver ng kotse sa isang pagamutan upang malapatan ng lunas ang kanyang mga sugat at pasang tinamo sa aksidente. (June 8, 2025)
