Agad na na-detine ang magka-live na mga shabu dealers na na-entrap ng mga operatiba ng Davao City Police Office sa isang lugar sa Calinan District, Davao City nitong tanghali ng Martes, June 10, 2025.

Ang 28-anyos na lalaking suspect, pansamantalang kinilala lang na si Gregory, at ang ka-live niyang 19-anyos na si Aika ay nakumpiskahan ng mga hindi unipormadong mga pulis ng hindi bababa sa P1 million ang halaga ng shabu sa naturang entrapment operation.

Unang nabilhan ng mga pulis ang dalawang suspects, mga residente ng Montevista sa Davao de Oro, ng P34,000 na halaga ng shabu.

Matapos silang ma-aresto, nakumpiskahan pa sila ng karagdagang P1 million na shabu na natagpuan sa loob ng kanilang kotse. (June 11, 2025, handout police photo)