LGU at SMI magtatayo ng barangay session hall sa Columbio

Magtutulungan sa pagtatayo ng isang barangay session hall ang municipal at barangay officials at ang Sagittarius Mines Incorporated (SMI) sa Barangay Datalblao sa Columbio, Sultan Kudarat.

Ito ay ayon sa ulat nitong Huwebes, May 15, 2025, ni Barangay Chairman Datu Zahir Mamalinta, elected barangay chief executive ng Datalblao na may mga malaking deposito ng copper at gold na natakda ng i-mina ng SMI batay sa pahintulot ng national government at basbas ng mga Blaan tribal councils sa Central Mindanao.

Sakop ng nakatakda ng operasyon ng SMI ang ilang mga barangays Columbio, sa mga ancestral lands ng mga Blaan sa Tampakan, sa Malungon sa Sarangani, at sa Kiblawan, Davao del Sur.

Ayon kay Barangay Chairman Mamalinta, malaking bagay para sa kanilang pagpapalaganap ng good barangay governance sa Datalblao ang napipintong pagkakaroon nila ng hiwalay na barangay session hall building kung saan sila magsasagawa ng mga sessions kaugnay ng mga programang makakabuti sa mga residenteng sakop ng kanilang barangay government.

Bagama’t hindi pa nakapagsimula ng Tampakan Copper-Gold Project ang SMI sa bayan ng Tampakan na hindi kalayuan sa Columbio, ang kumpanya ay gumastos na ng mahigit P2 billion para sa mga education, socio-economic, governance support, at health programs nito para sa mga residente ng naturang bayan, ng Columbio, ng Malungon at Kiblawan.

Ito ay kumpirmado mismo nila Mayor Joel Calma ng Kiblawan, Mayor Maria Theresa Constantino ng Malungon, ni Vice Mayor Naila Mangelen Mamalinta ng Columbio at ng mga tribal leaders sa Tampakan sa pangunguna ng kanilang appointed na representative sa Tampakan Sangguniang Bayan na si Blaan Chieftain Domingo Collado. (May 16, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *