Agad na namatay sa mga tama ng bala ang isang person with disability (PWD), o may kapansanan, matapos pagbabarilin ng lalaking nakaabang sa kanya sa gilid ng kalye sa Barangay Ong Yiu sa Butuan City sa Agusan del Norte kamakalawa.
Sa ulat ng mga kinauukulan nitong Linggo, June 29, 2025, nasa kanyang improvised wheelchair ang 50-anyos na si Renato Macaranga ng hinarang ng isang lalaki at pinagbabaril ng .45 caliber pistol na nagsanhi ng kanyang pagkabuwal sa sementong kalye.
Gumagamit ng saklay si Macaranga kung siya at tatayo mula sa kanyang improvised wheelchair upang maglakad sa kapaligiran,
Na-deklarang dead on arrival ng mga doctor sa isang hospital si Macaranga kung saan siya isinugod ng mga emergency responders upang malapatan sana ng lunas. (June 29, 2025, handout photo)
