Agad na nalagutan ng hininga ang isang lalaking motorista na inatake ang alta-presyon habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo sa gitna ng isang steel bridge sa isang liblib na pook sa Barangay Poblacion sa Santo Niño, South Cotabato nitong Biyernes, June 6, 2025.

Sa ulat nito ring Biyernes ng mga local officials at ng mga imbestigador ng Santo Niño Municipal Police Station, ang nasawing si Marvin Iwag ay nabuwal na lang, habang sakay ng motorsiklo na nag-crash sa gilid ng steel bridge kung saan siya nakitang wala ng buhay.

Sa pahayag ng mga kakilala at kanyang mga kamag-anak, matagal ng mag hypertension si Iwag at kasama sa kanyang maintenance medicines ang mga generic na Losartan Pottasium at Captopril.

Sa katunayan, na stroke ito at na-ospital nito lang nakalipas na buwan, ayon sa mga kamag-anak

Inulat ng mga kawani ng Santo Nino Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na kumbinsido silang inatake si Iwag ng alta-presyon habang sakay ng motorsiklo na nagresulta sa kanyang tuluyang pagpanaw.

Mismong kabiyak ni Iwag ang nagkumpirma na maselan na ng kanyang kalagayan ngunit ayaw pa ring tumigil sa paglabas-labas ng bahay gamit ang kanyang motorsiklo. (June 7, 2025)