Isang lalaking mananood sana ng concert ni Elias TV sa Barangay Nuro sa Upi, Maguindanao del Norte nitong Sabado, June 7, 2025, ang nakumpiskahan ng isang sachet ng marijuana ng mga pulis, nahaharap na sa kaukulang kaso.
Mga barangay tanod ang naka-diskubreng may dalang marijuana ang suspect ng kanilang kapkakapan, bilang security measure, habang papasok na sa lugar kung saan idadaos ang concert ni Elias TV, isang Bisaya na singer-vlogger.
Sa ulat nitong Linggo ni Police Capt. Rogel Docena ng Upi Municipal Police Station, ang suspect, residente ng Tenorio sa Barangay Awang sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte ay nagtangka pang tumakbo, ngunit nasukol din kalaunan.
Nasa kustodiya na ng Upi police force ang suspect. (June 7, 2025)
