Isang lalaking taga Zamboanga del Norte province ang natagpuang wala ng buhay sa gilid ng isang kalye sa Barangay Santiago sa Pagadian City, Zamboanga del Sur nitong umaga ng Sabado, September 27, 2025.
Sa inisyal na ulat ng Pagadian City Police Station at mga barangay officials sa Santiago, hindi na humihinga si Carlito Bantilan ng matagpuan sa gilid ng isang kalye sa naturang barangay, may bukol sa likurang bahagi ng ulo.
Ayon sa mga kakilala, ang 55-anyos na si Bantilan ay residente ng isang bayan sa Zamboanga del Norte, hindi kalayuan sa Pagadian City, kabisera ng Zamboanga del Sur province.
Posible diumanong lasing si Bantilan, nadulas at nabagok ang ulo sa sementong gilid ng kalye sa Barangay Santiago sa Pagadian City kaya agad na namatay sanhi ng injury na tinamo sa naturang aksidente. (September 27, 2025, Pagadian City, Zamboanga del Sur)