COTABATO CITY (November 21, 2025) Malawak na ang pagkakakilala sa seaside Datu Blah Sinsuat (DBS), ang fishing capital ng Maguindanao de Norte, na most peaceful town sa probinsya, isang “magnet” para sa mga potential investors na taga labas.
Ito ang pahayag nitong Biyernes, November 21, ng mga kilalang kasapi ng malalaki, mga maimpluwensyang mga grupo ng negosyante, kabilang ang chairman ng Bangsamoro Business Council, ang entrepreneur-lawyer na si Ronald Halid Dimacisil Torres, at ilang mga miyembro ng 80-seat Bangsamoro parliament sa kapitolyo ng autonomous regional government sa Cotabato City.
Ang abogadong si Torres ay presidente din ng multi-sector Regional Advisory Group ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region. Ang mga ranking officials PRO-BAR mismo ang ilang beses ng nag-kumpirma, sa mga hiwalay na mga ulat nitong nakalipas na ilang mga buwan, na ang Datu Blah Sinsuat ang isa sa mga nangunguna sa tala ng mga mapayapang mga bayan sa magkalapit na mga probinsya ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Isa sa masigasig na sumusuporta sa inisyatibo ni Mayor Raida Tomawis-Sinsuat, kay Vice Mayor Mikhaela Marsha Sinsuat at Maguindanao del Norte Vice Gov. Marshall Sinsuat sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagpapalakas ng investment climate sa Datu Blah Sinsuat ay ang dating mayor ng Upi sa probinsya na ngayon ay isa na sa 80 na mga kasapi ng Bangsamoro parliament, si Ramon Piang.
Maliban kay Bangsamoro regional lawmaker Piang, Kabilang din sa mga tumutulong na mas mapaunlad pa ang Datu Blah Sinsuat ang mga BARMM parliament members na sina Suharto Ambolodto, na isang ding abogado, at ang physician-ophthalmologist na si Kadil Sinolinding, Jr, na siya ring health minister ng autonomous regional government.
Makikita sa larawan ang mga local executives sa Datu Blah Sinsuat, si Vice Gov. Sinsuat, si Member of Parliament Piang at mga police at military officials na nagtutulungan sa pagpapanatili ng law and order sa naturang bayan. (November 20, 2025)