Mas lalong naging popular ang isang kandidato sa pagka-mayor ng Matalam sa probinsya ng Cotabato ng napatunayan ang pagsisinungalin ng kanyang katunggaling senior citizen na reelectionist mayor na gumagamit siya ng shabu.
Nagbunyi nitong Sabado, April 26, 2025, ang mga supporters at mga barangay officials na suportado ang kandidatura ni Ralph Ryan “Rap-Rap” Rafael, mas kilala bilang si Matalam Vice Mayor Rap-Rap, ng lumabas na negatibo ang resulta ng kanyang drug test matapos siyang akusahan ng karibal na kandidato sa pagka-mayor na humihithit siya ng shabu, sa kanyang speech sa barangay campaign rally, bago lamang.
Ang reelectionist mayor ng Matalam, si Mayor Oscar Valdevieso, ay umani ng poot mula sa libo-libong mga residente ng Matalam, kabilang sa kanila ang maraming mga barangay officials, na nasa kampo ng vice mayor, matapos niyang siniraan ito sa isang campaign rally na gumagamit daw ng shabu na napatunayang wala namang katotohanan batay sa resulta ng drug test nito.
Ayon sa mga local officials, mga negosyante at mga residente ng Matalam, malinaw na desperate attempt na paninira ang ginawa ng mayor dahil mas maraming mga supporters si Vice Mayor Raprap kaysa sa kanya at alam sa buong bayan na siya ay isa ng senior citizen at hindi na physically-fit na mag-mayor, may mga iniinda ng mga karamdaman diumano. (APRIL 26, 2025)