Home » Kampanya laban smuggled cigarettes sa Cotabato City

Kampanya laban smuggled cigarettes sa Cotabato City

Magkatuwang na pinalakas pa ngayong Biyernes, July 11, 2025, ng mga pulis at ng administrasyon ni reelected Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang kanilang kampanya laban sa pagbebenta sa lungsod ng mga sigarilyong gawa sa Indonesia na walang kaukulang mga clearance mula sa Bureau of Customs.

Kahon-kahong mga imported na sigarilyo ang kanilang nasamsam sa inisyal na anti-smuggling operation sa Barangay Mother Poblacion sa Cotabato City, ang kabisera ng Bangsamoro region.

Nagtutulungan sa citywide anti-cigarette smuggling campaign sina Mayor Matabalao, ang Cotabato City Police Office na pinamumunuan ni Col. Jibin Bongcayao at ang tanggapan ni Bangsamoro Chief Minister Abdulrauf Macacua.

Suportado naman ito ng 5th Marine Battalion Landing Team na naka-base sa lungsod at ng 6th Infantry Division ng Philippine Army. (July 11, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *