
Parehong nasugatan ng malubha ang isang kagawad at isang barangay bookkeeper sa walang habas na pamamaril sa Barangay Rosary Heights 9 sa Cotabato City, kabisera ng Bangsamoro region, nitong gabi ng Sabado, November 2, 2024
Nagpapalipas oras sa loob ng isang tindahan sa Virgo Subdivision sa Barangay Rosary Heights 9 sina Jordan Kalipa, 47-anyos, kagawad sa naturang barangay, at ang bookkeeper ng kanilang barangay office na si Virlie Joy Quijano, ng lapitan ng mga armadong lalaki at halinhinang binaril ng ilang beses.
Sa inisyal na ulat nitong Linggo ng Cotabato City Police Office at ng tanggapan ng Brig. Gen. Romeo Jaime Macapaz, mabilis na nakatakas ang mga bumaril kay Kalipa at Quijano na agad namang nadala sa hospital ng mga barangay officials at mga pulis na nagresponde sa insidente.
Ayon kay Macapaz, nagtutulungan ang mga barangay officials sa Rosary Heights 9 at mga imbestigador ng city police force sa pagkilala sa mga responsable sa pamamaril kay Kalipa at Quijano upang agad na masamphan ng kaukulang mga kaso. (NOV. 3, 2024, HANDOUT PHOTO)