Isang lalaki, nakilalang si Allan Uga, ang napatay sa ambush sa sentro ng Buluan sa Maguindanao del Sur nitong Sabado, May 17, 2025.

Sakay si Uga ng kanyang tricycle ng tambangan ng mga armadong mabilis na nakatakas gamit mga motorsiklo.

Napatay nitong Biyernes sa hindi kalayuang bayan ng Pandag sa Maguindanao del Sur sa katulad din na ambush ang kanyang pinsan na si Lakmudin Uga.

Sakay ng kanyang motorsiklo si Lakmudin, kasama ang kanyang misis at anak, ng sila ay paputukan ng mga armadong nakaabang sa kanila. Sugatan sa insidente ang misis ni Lakmudin.

Inaalam pa ng mga pulis kung ang ambush sa Buluan na nagsanhi ng pagkamatay ni Uga at ng kanyang pinsan sa naunang katulad na insidente ay magkaugnay. (May 17, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *