Ang mga kandidato ng United Bangsamoro Justice Party sa pagka-governor ng Maguindanao del Norte, si Tucao Mastura (sa kanan) at ang kanyang running mate, kandidato pagka-vice governor ng probinsya (sa kaliwa), si Marshall Sinsuat, ang ilang ulit ng nagpahayag na kung papalaring mailuklok sa pwesto, sisikapin nilang maging aktibo at ekstensibo ang kooperasyon nila, ng mga local government units, mga local executives, mga Moro traditional leaders, mga nanumuno ng mga indigenous Teduray communities, at mga religious leaders na mga Muslims, mga Christians at mga Tedurays sa pamamahala ng Maguindanao del Norte provincial government.
Ayon kay Mastura at Sinsuat, ang inclusive style ng governance, kung saan lahat ng sectors ay nagtutulungan sa pamamahala ng provincial at municipal governments, ang pinaka-epektibong paraan ng pagsulong ng pagkakaisa ng mga Muslim, mga Christians at mga indigenous people — sa konsepto ng makahulugang religious, or interfaith, at cultural solidarity. (April 18, 2025)