Abot sa 242 katao ang namatay sa pag-crash ng malaking Boeing 787 plane ng Air India, patungo sana sa London sa United Kingdom sa Europe, na bumagsak sa Ahmedabad, India nitong Huwebes, June 12, 2025.
May isang pasahero, ang Indian na si Ramesh Viswashkumar na isang British citizen, ang himalang nakaligtas ng makalabas sa isang emergency door ng eroplano at nakatalon bago bumagsak ang naturang Boeing 787 sa isang school building sa Ahmedabad. Siya at nagpapagaling na ng mga sugat at pasa sa katawan sa isang hospital.
Sa inisyal na ulat ng mga government agencies sa India, maliban sa mga pasahero ng eroplanong nag-crash, ilang mga estudyante din sa paaralang binagsakan nito ang namatay sanhi ng insidente (June 13, 2025, handout photos)
