Isang lalaking nakatira sa isang upland area sa Kidapawan City, Cotabato province na inanod ng bahang rumagasa sa ilog sa naturang lugar na kanyang tinawid noong Linggo, October 5, 2025, ang natagpuang wala ng buhay sa isang bayan sa probinsya na malayo sa kung saan siya iniulat na nawala.

Natagpuan nitong Martes, October 7, ang bangkay ni Romeo Villacora sa isang bahagi ng ilog sa Purok 3 sa New Lawaan sa bayan ng Mlang na malayo sa Kidapawan City, ang kabisera ng Cotabato province.

Huling nagpaalam nitong Linggo sa mga kapamilya si Villacora na pupunta siya sa isang kaibigan sa isang lugar sa kanilang barangay. Ayon sa mga kinauukulan, posibleng inanod siya ng tubig baha sa ilog na kanyang tinawid patungo sa kanyang pupuntahang lugar.

Ang downstream flow ng naturang ilog ay patungo sa mga bayan sa baba ng hinterland Kidapawan City. (October 8, 2025, handout photo, Danny Macaso)