Nasamsam sa isang anti-illegal logging operation ng Provincial Environment, Natural Resources and Energy Office sa Maguindanao del Norte ang hindi bababa sa P60,000 na halaga ng mga tablon, o log flitches sa wikang English, o mga biniyak na mga troso na naka-imbak sa isang lugar sa bayan ng Buldon nitong Biyernes.
Natagpuan ang naturang mga tablon sa masukal na paanan ng isang forested highland area sa Buldon, isa sa 12 na mga bayan na sakop ng Maguindanao del Norte, hindi kalayuan sa isang highway, malinaw na nakatakda na sanang isasakay sa isang delivery vehicle upang maihatid sa kung saan,
Nagtulungan sa naturang matagumpay na operation ang Maguindanao del Norte PENREO, ang Buldon Community Environment and Natural Resources Office at ang Marine Battalion Landing Team-2 ng 1st Marine Brigade na naka-base sa hindi kalayuang Barangay Tugaig sa Barira, Maguindanao del Norte.
Ang naturang inter-agency operation, pinangunahan nila Forester Mark Erickson AraƱas, Nasser Marinding ng Buldon Municipal Environment Office, ay nag-resulta sa pagka-kumpiska ng mga tablon na lawaan trees.
Ang Lawaan, o Lauan, ay kabilang sa dipterocarp tree species sa mga tropical rainforests na nakakatulong sa retention, o pagkaka-imbak ng tubig lupa sa mga watershed areas sa mga kabundukang pinagmumulan ng mga ilog na dumadaloy sa mga kapatagan.
Sa inisyal na estimate, abot ng 1,344 board feet ang mga nasamsam na abandonadong mga tablon na lawaan sa naturang anti-illegal logging operation. May isang unit din ng chainsaw ang natagpuan sa kung saan nakaimbak ang mga illegally-cut log flitches.
Ayon sa mga local executives sa Buldon, nagsitakbuhan palayo ang mga nagbabantay ng mga tablon, dalawa sa kanila mga chainsaw operators, ng mapuna ang mga mga environment law enforcers at mga tropa ng Marines na patungo sa kanilang kinaroroonan. (September 27, 2025, Buldon, Maguindanao del Norte, Bangsamoro Region)