Parehong agad na namatay ang magkabiyak na guro na may computer shop ng pagbabarilin ng ng mga motoristang armado sa poblacion ng Matalam, Cotabato nitong gabi ng Miyerkules, isang krimen na pinaniniwalaang posibleng kaugnay ng malalim na alitan ng sa kanila sa mga salarin.
Sa ulat ng Cotabato Provincial Police Office nitong Huwebes, hindi na umabot ng buhay ang public school teacher na si Eliser Sugaste at si Lalaine Sugaste sa hospital kung saan sila dinala ng mga emergency responders para malapatan sana ng lunas.
Ayon sa mga officials ng Matalam Municipal Police Station at kay Col. Gilberto Tuzon, Cotabato provincial police director, pumarada sa tapat ng computer shop ng mag-asawa ang mga lalaking motorista, lumapit sa kanila, naglabas ng mga baril at hiningi ang susi ng kanilang motorsiklo.
Sila ay agad na pinaputukan ng mga armado matapos maibigay ng isa sa kanila ang susi ng kanilang motorsiklo, kaya may paniwala ang mga lokal na kinauukulan at mga kamag-anak ng mga biktima na may mas malalim na dahilan ang pagkakapaslang sa kanila.
Mabilis na nakatakas ang mga salarin na inaalam pa ng mga police investigators kung sino at kung ano ang kanilang motibo sa pagsagawa ng naturang krimen. (May 15, 2025)