KORONADAL CITY (October 5, 2025) — Mahigit 400 na mga residente ng Barangay Liberty sa Tampakan, South Cotabato ang naka-benepisyo sa isang feeding activity na magkatuwang na isinagawa ng mga community leaders at mga kawani ng isang pribadong kumpanya nitong September 19.

Iniulat nitong Sabado, October 4, ng mga barangay officials ng Liberty, sa pangunguna ng kanilang chairman na si Noli Jalagat, na nagtulungan ang kanilang barangay government at ang Sagittarius Mines Incorporated, o SMI, sa pagsagawa ng feeding activity para sa mga bata, mga buntis at mga senior citizens.

Ayon kay Jalagat ang feeding activity ay isa sa mga highlights ng kanilang Maskalaya Festival nitong September 19 at nagtulungan silang mga barangay officials at ang SMI sa paghanda ng pagkain na ipinamigay sa mahigit 400 na mga bata, mga kalalakihan at mga kababaihan, mga buntis at mga senior citizens na residente ng Barangay Liberty.

Ayon kay Jalagat, ang kanilang taunang Maskalaya Festival sa Barangay Liberty ay naglalayong maging malapit sa isa’t-isa at magtulungan sa mga community peace and development initiatives ang mga etnikong Blaan at mga non-Blaan settler communities sa lahat ng lugar na sakop ng kanilang barangay government.

“Salamat sa Sagittarius Mines Incorporated sa kanilang pakikiisa sa aming selebrasyon. Ito ay patunay na hindi lamang sila kaagapay sa pagpapaunlad ng ating barangay kundi katuwang din sa pagpapabuti ng kalusugan at kapakanan ng ating mga mamamayan,” pahayag ni Jalagat.

Ayon kay Jalagat at mga municipal officials sa Tampakan, ang SMI ay may malawak at extensibong mga humanitarian projects sa lahat ng mga barangay sa kanilang bayan.

Katuwang ng SMI ang mga barangay officials at mga Blaan tribal leaders sa pagpapatupad ng naturang mga community services activities, ayon kay Jalagat at iba pang mga barangay officials sa Liberty.