Isang bihasa sa paggawa ng mga malakas na uri ng bomba ang nasukol ng mga agents ng National Bureau of Investigation sa Barangay Rosary Heights 11 sa Cotabato City nitong umaga ng Huwebes, June 19, 2025.
Nasa kustodiya na ng NBI-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao si Lutre Aman, na ayon sa kanyang mga kakilala ay kasapi ng magkasanib na mga teroristang grupong Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
Matagal ng wanted sa mga pambobomba si Aman na taga Pikit sa probinsya ng Cotabato.
Hindi na pumalag pa si Aman ng matunton sa kanyang pinagtataguan ng mga NBI-BARMM agents at pakitaan ng mga warrant of arrest of kaugnay ng kanyang mga kasong kinakaharap na nakabinbin sa mga korte. (June 19, 2025, handout photo)
