Provincial governor na ng Basilan si Congressman Mujiv Hataman na nahalal sa naturang puwesto nitong May 12, 2025 elections.

Si Hataman, incumbent congressional representative ng Basilan, ay na-proklamang wagi sa kanyang kandidatura sa pagka-governor ng probinsya ng mga kinatawan ng Commission on Elections at mga kasapi ng provincial board of canvassers sa kapitolyo ng Basilan nitong Miyerkules, May 14, 2025.

Naging regional governor ng dalawang termino si Hataman ng Autonomous Region in Muslim Mindanao na nabuwag at napalitan nitong 2019 ng mas makapangyarihang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao batay sa kasunduang pangkapayapaan ng MalacaƱang at ng Moro Islamic Liberation Front.

Abot ng 121,892 na mga boto ang nakamit ni Hataman sa kanyang kandidatura sa pagka Basilan governor, mas malaki ng 3,275 votes kumpara sa nakamit ng kanyang katunggali na si Jay Salliman na nakakuha ng 118, 554 na mga boto.

Nahalal din bilang vice governor ng Basilan ang ngayon ay third-termer ng si Governor Hadjiman Salliman.

Ang kabiyak ni Hataman na si Isabela City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman ay na-reelect din na mayor ng naturang lungsod. Ang Isabela City ay sakop din ng Basilan. (May 16, 2025) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *