Ex-barangay chairman sa Cotabato, pinaslang sa Sarangani

Wala ng buhay at may mga tama ng bala ng matagpuan nitong gabi ng Sabado, November 16, sa loob ng isang sa bahay sa Barangay Malandag sa Malungon, Sarangani si Abu Timbuko Mending, 56-anyos, dating chairman ng Barangay Rosary Heights 9 sa Cotabato City.

Kinumpirma sa mga hiwalay na ulat nitong Linggo ng Sarangani Provincial Police Office at ng Police Regional Office-12 ang pagpatay kay Mending sa naturang lugar ng hindi pa kilalang salarin.

Ayon sa PRO-12, tinangay pa ng pumatay kay Mending ang Toyota Fortuner nito at mga mobile phones.

Halos apat na oras ang tagal ng biyahe mula sa Cotabato City patungong Sarangani.

Ayon sa mga imbestigador ng Malungon Municipal Police Station, may mga tama ng bala sa katawan si Mending.

Inatasan na ng mayor ng Malungon, si Maria Theresa Constantino, ang mga barangay officials sa Malandag na tumulong sa mga imbestigador ng pulisya sa pagkilala sa pumatay kay Mending. (Nov. 18, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *