Isang bagani, o tribal warrior ng isang etknikong grupo na wanted sa murder at kidnapping ang na-ambush sa isang liblib na lugar sa Barangay Santo Niño sa Arakan, Cotabato nitong Lunes, July 28, 2025.
Ang naturang bagani — si Jonie Corbala, alias Commander Ering — ay isa sa mga nasampahan ng kasong pamamaril-patay sa pari na Italian, si Father Fausto Tentorio, noong October 17, 2011 sa labas ng kumbento ng Our Lady of Perpetual Help parish sa sentro ng Arakan, isang highland municipality sa probinsya ng Cotabato sa Region 12.
Sa ulat nitong Martes, July 29, ng mga leaders ng indigenous community sa Arakan at ng mga imbestigador ng Arakan Municipal Police Station, sakay ng kanyang motorsiklo si Jonie Corbala, kilala din bilang Commander Ering, ng tambangan ng mga lalaking nakaabang sa kanya sa gilid ng kalye sa Purok 1-B sa Barangay Santo Niño.
Nag-crash ang motorsiklo ni Corbala sanhi ng naturang ambush at agad siyang sapilitang isinakay ng mga ambushers sa isang motorsiklo at isinama sa kanilang pagtakas.
Hindi pa matiyak kung ano na ang tunay ng kalagayan nito hangang nitong umaga ng Martes.Inaalam pa ng mga imbestigador ng Arakan Municipal Police Station at mga intelligence agents ng Cotabato Provincial Police Office kung sino ang mga tumambang at dumukot sa tribesman na si Corbala.
Si Corabala ay may kinakaharap na dalawang mga high-profile criminal cases sa dalawang korte sa Central Mindanao —- murder sa Regional Trial Court Branch 17 at kidnapping and illegal detention sa RTC Branch 23, na matagal ng parehong naglabas ng mga warrants of arrest para sa kanya.
Makikita sa larawan ang motorsiklong minamaneho ng wanted na si Corbala ng siya ay na-ambush at kinidnap ng mga armadong kalalakihan sa isang liblib na lugar sa Barangay Santo Niño. (July 29, 2025, Arakan, Cotabato Province, Region 12)