Nagkalat ang hindi bababa sa tatlong toneladang mga isdang dagat na karga ng isang truck na bumulusok sa malalim na gilid ng highway sa Woodland area sa Begong sa bayan ng Tigbao sa Zamboanga del Sur nitong umaga ng Linggo, May 25, 2025.

Sa inisyal na ulat ng mga lokal na kinauukulan, galing sa Zamboanga City ang truck na may kargang isda, patungo sa isang lugar sa Zamboanga del Sur, ng biglang nasira ang preno kaya nawalan ng control ang driver nito at nagsanhi ng aksidente.

Ipinamahagi na lang sa mga residente ng Barangay Begong ng negosyanteng may-ari ang mga sariwang isda na natapon mula sa bumaliktad na truck, ayon sa mga barangay officials. (May 25, 2025)