SIAP candidates sa Bangsamoro town Pahamuddin, North Cotabato, naghain ng COC

Naghain na ng certificates of candidacy, o COC, ang mga kandidato ng Serbisyong Inklusibo Alyansang progresibo (SIAP) Party para sa mga elective positions sa bagong tatag na Pahamuddin Bangsamoro municipality na hindi kalayuan sa Midsayap at Pigcawayan na parehong sakop ng Cotabato province, Region 12.

Ang Pahumuddin ay isa sa walong mga bagong tatag na bayan ng Bangsamoro region sa Cotabato province.

Naghain na nitong Sabado, October 5, 2024, ang mga kandidato ng SIAP para sa local elective positions sa naturang bayan, kaugnay ng nakatakda ng 2025 elections.

May basbas ng SIAP ang kandidatura para sa local positions sa Pahamuddin nila Nimbo Sinarimbo, para sa pagka-mayor, at Esmael Talusan, vice mayor.

Kabilang sa mga kandidato ng SIAP para sa municipal council, o Sangguniang Bayan ng Pahamuddin sina Guialoson Abas, Norsando Alamada, Apan Binasing, Tungko Rahman, Kamid Samad, Norman Silongan, Zainudin Sinarimbo at Sammy Singh.

Ang SIAP Party ay naiulat na ng ilang beses sa mga himpilan ng radyo sa Cotabato City at mga karatig na lungsod sa Central Mindanao at sa mga probinsya ng Bangsamoro region na siyang pinaka-una at pinaka-organisadong regional political party sa autonomous region, may hindi bababa sa 700,000 na na mga dokumentadong supporters na mga Muslim, mga Kristiyano at mga etnikong indigenous people.

Ang SIAP Party, pinamumunuan ni Lanao del Sur Vice Gov. Muhammad Khalid Adiong, ay unang naitatag sa Lanao del Sur, naglalayong mapagkaisa ang mga Muslim, Christian at indigenous non-Moro communities sa Bangsamoro region upang maging mas maunlad ang industriya at komersyo sa mga probinsya at lungsod na sakop nito para makaroon ng mga job opportunities na makakatulong sa mga residente ng rehiyon. (OCTOBER 6, 2024) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *