Agad na mamatay ang isang senior citizen na motorcycle-rider ng masapol ang kanyang motorsiklo ng isang pampasaherong van sa Crossing II s Barangay Tabon sa Quezon, Palawan kamakalawa.
Sa ulat ng Quezon Municipal Police Station nitong Huwebes, ang nasawing 61-anyos na motorista ay isang mangingisda na taga Barangay Calategas sa Narra, Palawan.

Nasapol ang kanyang motorsiklo ng kasalubong na passenger van ng bigla itong lumihis sa kaliwang linya ng highway, ayon sa mga saksi.

Nasa tamang lugar ang van at ang motorsiklo ang lumihis kaya naganap ang aksidenteng nagresulta sa pagkamatay ng motoristang pauwi na sana sa kanilan lugar, ayon sa mga nakasaksi sa insidente. (June 26, 2025, handout photo)