Malaking bilang ng mga bata ang natuli ng libre at mga pasyenteng may problema sa mata ang nasuri sa dalawang magkasunod na mga medical outreach missions sa Ligawasan, Cotabato ng tanggapan ni Bangsamoro Parliament Member Kadil Monera Sinolinding, Jr., ang kasalukuyang health minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang Ligawasan ay isa sa walong mga bagong tatag na Bangsamoro municipalities sa probinya ng Cotabato sa Region 12.

Unang nagsagawa ng outreach mission ang medical service team ni Minister Sinolinding sa Barangay Buliok sa Ligawasan nito lang May 16, 2025.

Nitong Martes, May 20, 2025, sa Barangay Gli-Gli naman nagsilbi sa mahihirap na pasyente ang kanilang grupo, binubuo ng mga kawani ng Deseret Surgimed Hospital sa Kabacan, Cotabato at ng Deseret Ambulatory Referral Center Foundation, ang ng mga parliament support staff ni Minister Sinolinding. (May 20. 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *