Patay ang isang negosyanteng babae na pinagbabaril ng isang diumano ka-relasyong pulis habang nasa loob ng isang pick-up truck na nakaparada sa tapat ng isang restaurant sa Barangay 13-B sa Davao City nitong gabi ng Linggo, March 25, 2025.

Sa ulat nitong Lunes ng Davao City Police Office, batay sa salaysay ng mga saksi, nilapitan ng salarin ang biktima habang naka-upo sa loob ng kanyang sasakyan at walang habas na pinagbabaril.

Nadeklarang dead-on-arrival ang biktima ng pamamaril sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City kung saan siya isinugod upang malapatan sana ng lunas.

Mabilis na nakatakas ang may-asawang pulis na bumaril sa kanyang diumano kalaguyo, ngunit nasukol din sa isang lugar sa Davao City ng mga kapwa niya pulis sa isang sa isang pursuit operation na naisagawa sa tulong ng mga saksi sa pangyayari. Ang suspect ay naka-destino sa Ecoland Police Station 15 na sakop ng Davao City police force.

Kinumpirma ng mga kakilala ng naka-detine ng pulis at ng kanyang napaslang na ka-relasyon na matagal na silang may tagong ugnayan at naging madalas ang kanilang mga away bago naganap ang insidente. (May 26, 2025)