Umani ng puri mula sa mga residente ng Cotabato province sa Region 12 at sa mga karatig na bayan ng Maguindanao del Norte na sakop ng Bangsamoro region ang mga kasapi ng Libungan Municipal Police Station sa kanilang agarang pag-alalay sa mga biyaherong dumaan sa mahabang bahagi ng Cotabato-Davao Highway sa Barangay Sinawingan na binaha nitong Biyernes sanhi ng malakas, matagal na ulan sa kapaligiran.

Ang Barangay Sinawingan sa Libungan, Cotabato province, ay isang lugar ng mga Ilocano at Ilonggo communities na pagsasaka at small medium enterprises ang pangunahing hanapbuhay.

Lumusong sa baha ang mga pulis mula sa Libungan Municipal Police Station at inalalayan ang mga biyaherong sakay ng four-wheeled vehicles, trucks at mga motorsiklo na dumaan sa binahang bahagi ng highway nitong Biyernes.

Maraming netizens ang nag-post sa kanilang mga Facebook ng pasasalamat sa ginawa ng Libungan municipal police force, indikasyon na ang mga probinsyang mga pulis, sa public service mabilis. (June 15, 2025)