COTABATO CITY (December 20, 2025) — Pormal na inindorso sa Cotabato Regional Medical Center (CRMC) nitong Biyernes, December 19, ng abogadong miyembro ng 80-seat Bangsamoro regional parliament ang P6 million na halaga ng pondong laan para sa mga hospital bills ng mga indigent patients at mga potential joint health service projects ng management nito, ng mga local government units at ng mga civil society organizations.
Ang medical center chief ng CRMC, si Doctor Ishmael Dimaren, ang tumanggap na P6 million na halaga ng tseke na mismong si Member of Parliament Ishak Mastura ang naghatid nitong Biyernes sa naturang hospital sa uptown area ng Cotabato City, ang kabisera ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Si Mastura, isa sa ilang mga abogadong miyembro ng BARMM parliament, ay naging isa din sa mga regional officials ng dating Autonomous Region in Muslim Mindanao na napalitan ng mas administratively-empowered na BARMM nitong 2019, resulta ng 22-taon na peace talks ng Malacañang at ng Moro Islamic Liberation Front.
Sa pahayag ni Dimaren matapos ang ginawang pag-turn over ni Mastura ng P6 million na halaga ng tseke mula sa Transitional Development Impact Fund ng kanyang tanggapan, kanyang binigyang diin na malaking tulong sa kanilang humanitarian activities ang pondo na laan din para sa mga hospital bills ng mahihirap na pasyente.
Ayon kay Mastura, magagamit din ng naturang pondo para sa mga public service activities katulad ng “Operation Tuli” at mga medical missions na maaaring isagawa ng CRMC management, ng civil society organizations at ng mga local government units sa Maguindanao del Norte.
Si Mastura ay mula sa isang noble Maguindanaon clan sa Sultan Kudarat sa probinsya ng Maguindanao del Norte.
