Arestado ang isang 29-anyos na narcotics dealer na nabilhan ng mga operatiba ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency ng P3.3 million na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Isabang sa Tayabas City sa Quezon province nitong madaling araw ng Miyerkules, July 30, 2025.
Hindi na pumalag ang suspect ng mapunang mga hindi unipormadong anti-narcotics agents pala ang kanyang nabentahan ng halos kalahating kilong shabu sa naturang entrapment operation. (July 30, 2025, Tayabas City, Ouezon Proivince)