Agad na namatay sa mga tama ng bala ang isang ina at kanyang anak ng tambangan nitong umaga ng Linggo, June 15, 2025, habang sakay ng isang trike, o bao-bao, sa Barangay Kagawasan sa Dimataling, Zamboanga del Sur habang patungo sana sa isang simbahan sa hindi kalayuang bayan ng Pitogo sa naturang probinsya.

Hinarang diumano ng mga salarin ang sinasakyang trike ng mga biktima, pinababa at pinagbabaril ng maraming beses bago tumakas, iniwang nakanhandusay sa highway ang napaslan na ina at kanyang anak.

Sa ulat ng Dimataling Municipal Police Station, patay on the spot ang mag-ina sanhi ng mga tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.

Mabilis na nakatakas ang mga nag-ambush sa mag-ina, ayon sa ulat ng mga saksi sa mga imbestigador na Dimataling municipal police station. (June 15, 2025, handout photos, Ace Magsayo)