Magkatuwang na hinahanap na ng mga pulis at tropa ng 33rd Infantry Battalion ang mga motoristang nakapatay ng isang civilian at kasamang Army intelligence agent sa Barangay Dapantis sa Rajah Buayan, Maguindanao del Sur nitong Linggo, February 2, 2025.
Sa ulat nitong Lunes ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nasawi sa naturang insidente si Jabber Amil Ambal, residente ng Barangay Dapantis
Nasa isang lugar sa Barangay Dapantis si Ambal at ang isang intelligence agent ng 33rd Infantry IB na sakop ang naturang bayan ng lapitan ng mga naka-motorsiklong mga armado at paputukan ng ilang ulit bago mabilis na tumakas.
Sugatan ang sundalong miyembro ng 33rd IB sa naturang insidente, ngayon ginagamot na sa isang hospital.
Ayon sa mga residente at community leaders sa Barangay Dapantis, kasapi ng isang maliit na teroristang grupo ang mga bumaril kina Ambal.
Ayon kay Macapaz, nagtutulungan ang barangay leaders sa Radjah Buayan, mga opisyal ng Radjah Buayan Municipal Police Station at ng 33rd IB sa paghanap at pagkilala sa mga salarin upang masampahan ng mga kaukulang kaso. (February 3, 2025)