Patay on the spot sa mga tama ng bala ang isang motorista sanhi ng ambush sa Barangay Takepan sa Pikit, Cotabato nitong hapon ng Huwebes, June 26, 2025.
SA ulat ng Pikit Municipal Police Station, ang napaslang na si Homidie Ampatuan, kilala sa palayaw na Homie, ay residente ng Barangay Balungis sa Malidagao, isa sa walong bayan sa Special Geographic Area-Bangsamoro Region na nasa teritoryo ng Cotabato province sa Region 12.
Siya ay sa mga mangagawa sa Makinugon Carwash sa Cotabato City. Pauwi siya sa kanilang lugar sa Malidagao ng mapatay sa ambush.
Sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima ng tambangan ng mga armadong nakaabang sa gilid ng highway sa Barangay Takepan sa Pikit. (June 27, 2025, handout photo, Jess Ali)
